Tag Archives: Tagalog

Buwan Ng Wika 2022

TAGALOG SA TELEBISYON AT PAHAYAGAN

Ngayong Buwan ng Wikang Pambansa, pagtuonan natin ng pansin ang Tagalog na ginagamit sa Telebisyon. Naisulat ko na ang mga tagalized na English na ginagamit (nasa ibaba ang mga ito). Ngayon naman ay nais kong ibahagi ang mga Tagalog na ginagamit pero hindi tama ang pagkagamit.

Bumulusok – nagagamit ito na ang ibig ipakahulugan ay tumaas. Ang bumulusok ay bumagsak ng mabilis.

Mali: Bumulusok ang kaso ng Covid noong nakaraang linggo.

Tama: Pumaimbulog , tumaas

Tingkayad – ginamit ito sa isang pagbabalita na ang ibig ipakahulugan ay tumindig na nakatuwid ang paa o tumindig sa mga daliri sa paa para tumaas (tiptoe sa English). Ang tumingkayad ay umupo na nakabaluktot/nakabali ang mga binti mula sa tuhod ( squat sa English) .

Mali: Tumingkayad kami para makita ang kaganapan. –

Tama: Tumikda, ang ugat na salita ay tikda (tiptoe sa English)

Dayami: ginamit sa isang palabas tungkol sa pagluluto na ang sinunog sa paggawa ng tinapa ay dayami (hay sa English) ngunit ang ipinakita ay kusot o pinagkataman (wood shavings sa English) na galing sa paggamit ng katam (plane)

Mali: Pinausukan ang isda sa pamamagitan ng pagsunog ng dayami.

Tama: Kusot , galing sa paggamit ng katam (wood shavings) o ng lagari (sawdust sa English). Ang lagari ay tinatawag na laghari sa Timog Katagalugan

Yapak – ginamit na ang ibig ipakahulugan ay ang pangngalan at hindi ang pang-uri. Ang pagkakaiba ay sa bigkas.

Mali: Sumunod siya sa yapák (barefoot sa English) ng ama

Tama: Yapak (footstep) , malumay ang bigkas.

Related Posts

Buwan Ng Wika

Tagalog Sa Pagbabalita sa Telebisyon at Pahayagan

The Philippines National Language month 2021

Tagalog Used in Telewvision Newscasts and Newspapers

The Philippines’ National Language Month 2021

PIA - Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto

We celebrate August as National Language Month or Buwan Ng Wikang Pambansa.

I’ve written about it last year in Tagalog in my post Buwan Ng Wika but I write in English this year for the benefit of readers from other countries who are interested in languages.

I’m trying to capture and document the language spoken in our town or region which is slowly being forgotten so am sharing again my book Naiibang Tagalog Ng Calauag,Quezon literally translated as The Different Tagalog of Calauag, Quezon. I lifted the following from the book.

NOTABLE DONATIONS | UP Library Bulletin Online

Introduction

Objectives

I’ve known since I was small that the Tagalog we spoke in Calauag was different from that spoken in Manila. Not that we could not be understood, but many of our Tagalog words were different. Our relatives in Manila spoke differently and my older sisters and brothers who were studying in Manila for their tertiary degrees sometimes talked about how different our Tagalog was.

I myself experienced the difference when I studied in Manila after high school. I once asked a dorm mate “ Saan ka patungo” and she was pleasantly surprised about my usage of what she considered ‘malalim na Tagalog”. Then there was a time when I asked the cafeteria staff “Anong lahok?” referring to the ingredients of the viands. My friend with me remarked “ Akala ko may timpalak”. This started my interest in compiling the Calauag Tagalog words.

I was already working when a strong typhoon hit Calauag and our place was featured on the TV newscast. It included an interview with a resident who recounted “Napakalakas ng agos kaya ako’y yumapos sa puno ng niyog. Mariparo ko ay hindi na nabutwa ang katabi ko”. My officemate who saw the feature asked me,” Akala ko Tagalog kayo sa Quezon?”

At home, I would sometimes be amused to hear some words used by mother which I myself hardly used. Like when she instructed “Talitian mo nga ako” or changed stories with my aunt and say “Ikako’y yano….”.

But my fascination and interest strengthened into resolve when I was surfing the internet and saw a post in a discussion thread in Pinoy Exchange, an online forum, which said that we Pilipinos have no language of our own to speak of. I recalled the distinctive quality and richness of the Tagalog we used and are still using.

Thus, this book was written with the following objectives:

  1. Primarily to preserve the language which is slowly being replaced by the Metro Manila Tagalog because of television (I’d like to add in this post, social media) for family and friends from Calauag
  2. To serve as a reference to those who are students of languages
  3. To show how rich the Tagalog vocabulary is to fellow Pilipinos and the rest of the world.

Scope

The words in the Word List include the Tagalog which are spoken differently from the Tagalog generally understood in Metro Manila or Bulacan. Thus, this is not a complete dictionary of all Tagalog words e.g bata which is also bata in Calauag and Metro Manila is not listed.

Likewise, the idiomatic expressions listed are limited to those which are used only in Calauag, thus, it is not a complete list of all Pilipino idiomatic expressions.

The list include words which were spoken in Calauag from the time of my mother to date, some of which are not commonly spoken by the present generation of Calauag residents e.g. papandut

The book was written about by Nestor Cuartero in Panorama, Manila Bulletin Sunday magazine on August 10, 2014.

The book may be found as reference in the following :

  1. National Library
  2. University of the Philippines Main Library
  3. Calauag Central College Library

For inquiries you can write to jocelynltolentino@gmail.com

Tagalog sa Pagbabalita sa Telebisyon at Pahayagan

Ang Agosto 13-19 ay dating Linggo Ng Wika. Ito ay sa kadahilanang ipinanganak si Manuel L. Quezon, na tinaguriang Ama Ng Wikang Pilipino, noong Agosto 19, 1878. Siya  ang nagdeklara noong 1937 na magkaroon ng pambansang wika at ito ay ang Tagalog. Ang pambansang wika ay tinaguriang Pilipino noong 1959 upang maihiwalay ito sa Tagalog. Sa 1987 na Saligang Batas ang Pilipino ay tinawag na Filipino.

Ngayong Buwan ng Wika , pansinin natin ang Tagalog na ginagamit sa pagbabalita sa telebisyon at pahayagan sa Kalakhang Maynila.

Dati-rati ang mga balita sa telebisyon lalo na sa pang-gabi ay gumagamit ng wikang Ingles tulad ng GMA Evening News (GMA) The World Tonight (ABS-CBN), News Watch (RPN9) , at BBC Primetime News (IBC13) . Kinalaunan naging Tagalog na ang ginagamit sa pagbabalita na pinuri ng Surian ng Wikang Pambansa /Komisyon ng Wikang Filipino. https://philippineculturaleducation.com.ph/komisyon-sa-wikang-filipino/. Ngayon ay sumasahimpapawid ang mga Tagalog na pagbabalita tulad ng Saksi , Balita, Aksiyon  at TV Patrol na bagama’t Ingles ang pangalan ay Tagalog ang pagbabalita.

Maraming pahayagan sa Tagalog ayon sa Wikipedia , ngunit ang batayan ko ay ang mga lumalabas din online:

NewspaperLanguageTypeCirculation
AbanteTagalogTabloidNational
Abante ToniteTagalogTabloidNational
Agila ng BayanTagalogTabloidNational
Bagong Sagad NgayonTagalogTabloidNational
Bagong ToroTagalogTabloidNational
BalitaTagalogTabloidNational
BanderaTagalogTabloidNational
BistadoTagalogWeekly TabloidNational
BulgarTagalogTabloidNational
Diaryo BombaTagalogTabloidNational
HatawTagalogTabloidNational
KadyotTagalogTabloidNational
People’s BalitaTagalogTabloidNational
People’s JournalEnglishTabloidNational
People’s TonightEnglishTabloidNational
Pilipino MirrorTagalogTabloidNational
Pilipino Star NgayonTagalogTabloidNational
PinasTagalogTabloidNational
Police Files ToniteTagalogTabloidNational
PMTagalogTabloidNational
RemateTagalogTabloidNational
Saksi NgayonTagalogTabloidNational
TempoEnglishTabloidNational
X-FilesTagalogTabloidNational
Mula sa Wikipedia

Napapansin ko na habang tumatagal ay dumarami ang “ Tagalized “ ang ginagamit o banyagang salita na binigkas o binaybay sa Tagalog kahit na may katumbas sa ating wika at ilan dito ay ang mga ng mga sumusunod :

Madalas Magamit sa Pagbabalita   Katumbas na Tagalog

Anyos                                                                        Taon/gulang

Aksidente                                                                 Sakuna

Komite                                                                       Lupon

Desisyon                                                                   Pasiya

Eksperto                                                                   Dalubhasa

Empleyado                                                               Kawani

Gobyerno                                                                 Pamahalaan

Importante                                                              Mahalaga

Importasyon                                                            Pag-angkat

Lider                                                                           Pinuno

Litrato                                                                        Larawan

Mentena                                                                   Panatilihin

Nakolekta                                                                 Nalikom

Naging emosyonal                                                 Napapaiyak

Peke                                                                           Huwad

Probinsiya                                                                Lalawigan

Siyentista                                                                  Paham

Siyudad                                                                     Lungsod

Sosolusyonan                                                          Lulutasin

Suhestion                                                                 Mungkahi

Tsansa                                                                       Pagkakataon

Unibersidad                                                             Pamantasan

Maaaring ang dahilan ay may takdang oras ang pagsasahimpapawid o paglilimbag at ang mga tagasulat ng balita ay nagigipit sa panahon sa pagsasaliksik o pamimili ng akmang salita. Ito ay nagpapakita na nasa ibabaw ng ating kamalayan ang salitang banyaga kaysa wika natin kaya ito ang unang sumasagi sa isip habang nagsusulat.

Marahil ito ay maituturing na isang paglago ng wika, ang  pagdagdag ng mga salita sa pamagitan ng pagbigkas at pagbaybay ng isang banyagang wika sa paraan ng katutubong wika.  At maging ang wikang Ingles ay marami ring hango sa ibang wika tulad ng Latin. Marami ring salitang Kastila na bahagi na ng pagkaraniwang ginagamit natin sa ngayon katulad ng bintana, lamesa, at marami pang iba at mistulang nakalimutan na ang durungawan at hapag na katumbas nito.

Sa ganang akin, katanggap-tangap ito kung walang katumbas sa ating wika tulad ng technology na isinasalin sa Teknolohiya, culture na maipapaliwanag sa ilang salita ngunit walang katumbas kaya ang tawag natin ay kultura , pandemic na maaring sabihing pangmalawakang sakit ngunit mas maiksi at maari na rin ang pandemya.  Ang ibang salita ay tawag sa mga bagay na wala rito sa bansa natin kaya marapat lamang na gamitin ang salitang banyaga  tulad ng snow na tinatawag nating nyebe hango sa salitang Kastila.  Ang iba naman ay mga bagong sipot o imbensiyon na hindi mula sa atin tulad ng internet , Facebook at iba pa. Sa pang araw-araw na pakikipag-usap at mga huntahan ay maaring  hindi rin mahigpit sa pamimili ng wastong salita.  Ngunit sa pagbabalita at iba pang pormal na talakayan o sulat, kung may katumbas na wika natin, dapat gamitin ito upang mapanatili at mapagyaman sapagkat ang wika ay sumasalamin sa kaluluwa ng bansa.

English and updated version

Tagalog Used In Television Newscasts and Newspapers