Buwan Ng Wika 2022

TAGALOG SA TELEBISYON AT PAHAYAGAN

Ngayong Buwan ng Wikang Pambansa, pagtuonan natin ng pansin ang Tagalog na ginagamit sa Telebisyon. Naisulat ko na ang mga tagalized na English na ginagamit (nasa ibaba ang mga ito). Ngayon naman ay nais kong ibahagi ang mga Tagalog na ginagamit pero hindi tama ang pagkagamit.

Bumulusok – nagagamit ito na ang ibig ipakahulugan ay tumaas. Ang bumulusok ay bumagsak ng mabilis.

Mali: Bumulusok ang kaso ng Covid noong nakaraang linggo.

Tama: Pumaimbulog , tumaas

Tingkayad – ginamit ito sa isang pagbabalita na ang ibig ipakahulugan ay tumindig na nakatuwid ang paa o tumindig sa mga daliri sa paa para tumaas (tiptoe sa English). Ang tumingkayad ay umupo na nakabaluktot/nakabali ang mga binti mula sa tuhod ( squat sa English) .

Mali: Tumingkayad kami para makita ang kaganapan. –

Tama: Tumikda, ang ugat na salita ay tikda (tiptoe sa English)

Dayami: ginamit sa isang palabas tungkol sa pagluluto na ang sinunog sa paggawa ng tinapa ay dayami (hay sa English) ngunit ang ipinakita ay kusot o pinagkataman (wood shavings sa English) na galing sa paggamit ng katam (plane)

Mali: Pinausukan ang isda sa pamamagitan ng pagsunog ng dayami.

Tama: Kusot , galing sa paggamit ng katam (wood shavings) o ng lagari (sawdust sa English). Ang lagari ay tinatawag na laghari sa Timog Katagalugan

Yapak – ginamit na ang ibig ipakahulugan ay ang pangngalan at hindi ang pang-uri. Ang pagkakaiba ay sa bigkas.

Mali: Sumunod siya sa yapák (barefoot sa English) ng ama

Tama: Yapak (footstep) , malumay ang bigkas.

Related Posts

Buwan Ng Wika

Tagalog Sa Pagbabalita sa Telebisyon at Pahayagan

The Philippines National Language month 2021

Tagalog Used in Telewvision Newscasts and Newspapers

2 thoughts on “Buwan Ng Wika 2022

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s